MENU

Where the world comes to study the Bible

Ang Kapanganakan ni Hesu Kristo

Related Media

Panimula

Ang mga sumusunod ay bahagi ng maigsing serye ng mga debosyonal na aralin na may kinalaman sa kapanganakan ni Kristo. Para sa ilan, ang ganyang aralin ay hindi debosyonal dahil ito ay mas may kinalaman sa kasaysayan. Pero dapat nating isipin na si Hesus na ating sinasamba ay tunay na pinanganak sa kasaysayan. At ang sanggol sa sabsaban ay tunay na ipinako sa krus – at tiyak rin na nabuhay na mag-uli. Ang Biblia ay di katulad ng mga banal na aklat ng ibang relihiyon sapagka’t ang Biblia ay mag-anyaya ng pangkasaysayang pagsusuri. At kapag ito ay pumasa sa pagsusuri—na palaging mangyayari at di maiiwasan—ito ay nagdudulot ng paglago ng debosyon sa puso ng mananampalataya doon sa tinatawag nating Anak ng Diyos.

Ang Taon na Pinanganak si Hesus

Dito sa kanlurang bahagi ng mundo, hinati natin ang panahon base sa kapanganakan ni Hesu Kristo. Pero siya ba ay tunay na namuhay dito sa mundong ibabaw? Kung totoo, kailan siya ipinanganak?

Kailan lamang, nakausap ko ang isang taong na nagsasabi na walang Diyos. Siya ay ateista. Pero hindi yung tipikal na ateista na sa naniniwalang walang Diyos. Kanya ring pinagpipilitan na si Hesus Kristo ay hindi nabuhay sa mundong ibabaw! Itong taong ito ay matindi.

Itong kaibigan ko na ateista ay may di mapaniwalaan na pananampalataya—aking masasabi na isang bulag na pananampalataya. Yung kanyang mataimtim na paninindigan ay ipapahiya ang maraming mga ebanghelista. Pero ang ebidensiya na si Hesu Kristo ay pumasok sa kasaysayan ay hindi lamang tiyak sa testimonya ng Bagong Tipan—ito ay di mapag-kakaila! Yung mga kalaban ng Kristianismo ay sinsabi na siya ay nabuhay—at siya ay gumawa ng mga milagro! Mga maagang dokumento ng mg Hudyo na tulad ng Mishnah at kahit si Josephus—pati rin mga mga yung mga mananalaysay na Hentil noong unang siglo—tulad ni Thallus, Serapio at si Tacitus—lahat sila ay nagpapatotoo na ang isang nagngangalang Kristo ay namuhay sa Palestina at namatay sa ilalim ng pamumuno ni Pontio Pilato. Sabi ng iskolar na Briton na si F.F. Bruce, "Ang katotohanan ng kasaysayan ni Kristo ay [tiyak]. . . katulad ng katotohanan ng kasaysayan ni Julius Caesar" (NT Documents, pahina 119).

Ngayon tama na sabihin na kung si Kristo ay nabuhay (kailangan pa ba itong sabihin?), siya rin ay dapat ipinanganak. Ang Mga Mabuting Balita ay nagsasabi na ang kapanganakan niya ay bago namatay si Herodes na Mahalaga. Ang kamatayan ni Herodes ay tiyak nating masasabi kung kalian.

Sinulat ni Josephus yung eklipse ng buwan bago lamang yumao si Herodes. Ito ay nangyari noong ika-12 ng Marso taong 4 B.C. Sinasabi rin ni Josephus na si Herodes ay nalagot ang hininga bago ang Paskuwa. Itong fiesta na ito ay nangyari noong ika-11 ng Abril, sa parehas na taon, 4 B.C. Mula sa mga detalye na binanggit ni Josephus, ating matitiyak na si Herodes na Mahalaga ay pumanaw sa pagitan ng ika-29 ng at ika-4 ng Abril ng taong 4 B.C.

Magmumukhang kataka taka kung imumungkahi na si Hesus ay ipinanganak ng hindi aaga sa taong 4 B.C. sa dahilang ang ibig sabihin ng B.C. 'bago ipanganak si Hesukristo.' Pero ang ating ginagamit na kalendaryo na hinahati ang panahon sa pagitan ng B.C. at A.D. ay hindi na imbento hangagang A.D. 525. Noong panahong iyan, si Papa Juan na Una ay hiniling sa isang monghe na nagngangalang Dionysius na gumawa ng kalandaryong gagamitin ng Simbahan sa kanluran. Sa kasawiang palad, si pobreng Dionysius ay sumablay sa totoong hati at taon ng B.C./A.D ng di bababa sa apat na taon!

Ngayon sinabi ni Mateo sa atin na pinatay ni Herodes ang mga sanggol sa Bethlehem, mga edad dalawang taon at pababa. Ang pinakamaagang kapanganakan ni Hesus, samakatwid ay 6 B.C. Sa pamamagitan ng iba’t ibang indikasyon, ating masasabi ng may sapat na katiyakan na yung tinatawag na Messias ay ipinanganak noong huling bahagi ng 5 B.C. o kaya ay yung maagang bahagi ng 4 B.C.

Ang kaibigan kong ateista ay nangungutya sa ganyang pleksibidad. Sabi niya, "Kung di niyo alam kung kalian ang tumpak na kapanganakan ni Hesus, paaano niyo malalaman na siya ay totoong nabuhay?" Ito ay bahagya na makatarungang tanong! Noong isang araw tinawagan ko ang aking ina para batiin siya ng maligayang kaarawan. "Nanay, ilan po ang mga kandila sa iyong cake?" Ito ay aking itinanong. "Di ko alam, anak –di ko na binibilang ang aking edad," ito ang kanyang sagot. Pagkatapos ng ilang minuto ng malugod na pag-uusap, binaba na namin ang telepono.

Ngayon, siyempre di ko matitiyak, pero naniniwala ako na yung nasa kabilang linya ay yung nanay ko. Di niya matandaan kung ilang taon na siya (at siya ay di pa naman malilimutin at di parin may katandaan), pero di ibig sabihin sa siya ay di totoo ay kathang isp ko lamang, di ba? Kasi kung siya ay di totoo, samakatwid sa huling tatlong minute ay walang kang binabasa!

Ang Araw na Ipinanganak si Hesus

Ngayong darating na ika-25 ng Disyembre, maraming magulang ang di magsasabi ng totoo sa kanilang mga anak tungkol kay Santa Klaus. Ang ilan sa atin ay ipagdiriwang ang kapanganakan ng ating Taga-pagligtas. Pero siya ba ay talagang ipinanganak ng araw na ito?

Talaga bang ipinanganak si Hesus noong ika-25 ng Disyembre? Lahat halos ng buwan sa kalendaryo ay naipanukala ng mga iskolar ng Biblia. Bakit ba natin ipinagdiriwang ang kanyang kapanganakan sa Disyembre?

Ang tradisyon para sa ika-25 ng Disyembre ay napakatanda na. Si Hippolytus, noong iakalawang siglo A.D., ay nagsabi na ito ang kaarawan ni Kristo. Samantala, sa Simbahan na nasa Silangan, ika-6 ng Enero ang sinunod na petsa.

Pero noong ikapapat ng siglo, si Juan Chrysostom ay nagsabi navang ika-25 ng Disyembre ang tamang petsa at simula noong araw na iyon hanggang ngayon, ang simbahan sa Silangan, pati na rin ang Simbahan sa kanluran, ay ipinagdiriwang ang ika-25 ng Disyembre bilang opisyal na petsa ng kapanganakan ni Kristo.

Ngayong modernong panahon, ang tradisyonal na petsa ay pinagduduhan at gusting baguhin. Ang mga moderdong iskolar ay ipinakikita na noong si Hesus ay ipinanganak, ang mga pastol ay nagbabantay ng kanilang mga tupa sa mga gulod ng Bethlehem. Sinabi ni Lukas sa atin na may anghel na " Doon ay may mga pastol na nasa parang at nagbabantay ng kanilang mga tupa nang gabing iyon." (2:8).

May mga iskolar na ang palagay ay ang mga tupa ay nasa loob ng silongan mula Nobyembre hanggang Marso; at madalas, ang mga tupa ay wala sa labas tuwing gabi. Pero walang matibay na ebidensya tungkol dito. Sa katunayan, mga sina-unang mga dokumento ng mga Hudyo na nagpapahiwatig na ang nga tupa na nasa paligid ng Bethlehem ay nasa labas buong taon. Kaya iyong makikita na ang ika-25 ng Disyembre ay tumutugma sa parehas na tradisyon at yung nasusulat sa Biblia. Walang matibay na dahilan para tutulan ito.

Ngayon, di natin maikakaila na ang pagkakaraoon ng mga tupa na na nasa labas sa paligid ng Bethlehem ay hindi ginagawa sa ibang lugar. Pero itong mga tupa ng ito ay di mga ordinaryong tupa lamang. Sila ay mga korderong iaalay. Sa unang bahagi ng tag-sibol itong mga korderong ito ay papatayin sa panahaon ng Paskuwa.

At inihayag ng Diyos ang kapanganakan ng Messias sa mga pastol- -mga pastol na binabantayan ang mga korderong di makasasakit ng iba, mga tupang mamamatay sa di pagkalayuan para sa mga kasalanan ng makasalanang tao. Noong nakita nila yung sanggol, naunawaan kaya nila kung sino talaga ito? Nasabi kaya nila sa puso nila kung ano ang binanggit ni Juan Baustista na inihayag ng malakas, "Narito ang Kordero ng Diyos na nagaalis ng kasalanan!"

Ngayon, siyempre, di natin matitiyak ng tumpak kung kailan talaga ang araw ng kapanganakan ni Kristo. Hindi ngayon habang nasa lupa pa tayo. Pero ang maagang bahagi ng tag-lamig ay tila makatwiran na panukala tulad ng iba. At ang ika-25 ng Disyembre ang nangunguna sa may labing walong siglo. Kung walang matibay na ebidensya, walang mabuting dahilan na para baguhin ang petsa ngayon.

Pwede nating sisihin yung mga mananampalataya noon sa pagkawalan ng katiyakan kung kalian yung kapanganakan. Kasi di nila ipinagdiwang yung kapanganakan ni Kristo kahit minsan. Para sa kanila, hindi ito importante. Mas pinagtutuunan nila ng pansin yung kanyang kamatayan . . . at yung muling pagkabuhay.

Pero iyan ay nabaligtan sa ating kapanahunan. Ang isang sanggol na nakahiga sa sabsaban ay di katatakuran at walang banta. Pero ang isang namatay sa krus--ang taong nagsabi na siya ay Diyos—ang taong iyan ay isang banta! Siya ay humuhingi ng ating katapatan! Hindi natin siya pwedeng isantabi. Dapat siya ay ating tanggapin o tanggihan. Di niya tayo binigyan ng iba pang pagpipilian.

Ngayong kapaskuhan, tingnan nyong mabuti ang sabsaban. Huwag ninyong isispin na maganda ang tanawin—amuyin nyo ang mabahong hangin, pagmasdan nyo ang malamig at giniginaw na mga hayop. Sila ang kumakatawan sa mga pag-aalay sa Lumang Tipan. Sila ang sagisag ng kamatayan. Pero sila are anino lamang ng Sanggol sa kanilang kapaligiran. Siya ay ipinanganak para mamatay . . . para ang lahat ng maniniwala ay magkaroon ng buhay.

Ang Pagbisita ng mga Pantas

Noong ipinanganak si Hesu Kristo, mga lalaki—noon ay kilala bilang mga pantas—ay dumating na galing silangan para siya ay sambahin. Sila ba ay mga matatalinong mga tao o mga taong may kinalaman sa astrolohiya?

Inumpisahan ni Mateo ang pangalawang kabanata ng kanyang aklat ng mga salitang ito: "Panahon ng paghahari ni Herodes sa Judea nang ipanganak si Jesus sa Bethlehem. Nang siya'y isilang, may mga matatalinong taong mula pa sa silangan ang dumating sa Herusalem. Nagtanung-tanong sila, "Nasaan ang ipinanganak na hari ng mga Judio? Nakita namin sa silangan ang kanyang bituin, kaya't naparito kami upang siya'y sambahin."’’

Sino itong matatalinong tao na mula sa silangan? Walang sinabi sa Mateo na tungkol sa kanila—hindi niya binanggit ang mga pangalan nila, at kung ilan sila—kahit kung saang bansa sila nanggaling ay hindi nabanggit. Kung kataka taka ang kanilang pagdating, ganoon din sa kanilang paglisan. . . 

Kahit di sinabi sa atin ni Mateo ang maraming bagay tungkol sa kanila, may mga Kristiano sa mga nagdaang panahon ang nagdagdag ng impormasyon na wala sa Biblia at tiniyak nila ang katotohanan ng mga ito. Pagdating noong ikaanim na siglo, itong mga estranghero ay binigyan ng mga korona at mga pangalan: si Gaspar, si Melchior, at si Balthazar, ito raw ang mga pangalan nitong mga haring ito. Pero ito ay walang kinalaman sa kwento na nasa Biblia: di natin alam ang mga pangalan nila—at hindi rin alam kung ilan sila. Pwede na may 3 o kaya 300! Pero isa ang ating tiyak na alam: di sila dugong bughaw. Ang mga matatalinong pantas na ito ay mga taga payo ng mga hari sa silangan tungkol sa mga bagay na may kinalaman sa relihiyon at sa pulitika—pero ni walang patak man ng dugong bughaw sa kanila.

Pero di ba totoo na ang mga pantas na ito ay may kinalaman sa astrolohiya? At hindi ba may utos ang Diyos tungkol sa mga taong may kinalaman sa astrololohiya sa Lumang Tipan? 'Hindi lagi ' at 'oo’ ang mga sagot. Sa Deuteronomio 17, iniutos ng Diyos sa kanyang mga tao na patayin lahat ng may kinalaman sa astrolohiya sa pamamagitan ng pamamato. Si Jean Dixon ay walang pagasa sa ganyang teokrasya! Ang katunayan na siya—at yung iba na katulad niya—ay maluwag na pinahihintulutan—at lubos na ginagalang—dito sa makabagong Amerika ay pinatutunayan sa atin na ang Estados Unidos ay isang bansa na lumipas na ang Kristianismo bilang mainpluwensya na grupo sa lipunan . . . 

Pero sino ba talaga itong mga pantas na ito? Sila ba ay may kinalaman sa astrolohiya? Hindi ba sinundan nila ang isang bituin papunta sa Bethlehem.

Pwede nating sagutin ito sa tatlong paraan: Una, hindi lahat ng pantas ay may kinalaman sa astrolohiya, sapagkat si Daniel na propeta ay puno ng mga pantas sa kaharian ni Nebuchadnezzar. Sa pamamagitan ng kanyang inpluwensya, walang duda na marami sa mga pantas ang nagpatuloy ng kanilang tungkulin na may kinalaman sa relihiyon at politika bilang mga taga samba ng iisang tunay na Diyos.

Pangalawa, may mga iskolar ng Biblia na naniniwala na nakinita ni Isaias na may bituin na makikita pag-ipinanganak ang Messias. Kung tama ang interpretasyon na ito, samakatwid yung mga pantas na sumamba sa bagong silang na sanggol ay malinaw na sumusunod sa mga yapak ni Daniel, sapagkat sila ay tiyak na naturuan mula sa aklat ng Isaias.

Pangatlo, kahit na may kaunting naniniwala na yung 'bituin' na kanilang nakita ay nangyaring natural lamang--yung pagkakalinya ng Saturn at Jupiter—hindi nito kayang ipaliwanag kung bakit tumigil yung bituin sa ibabaw ng Bethlehem. Malinaw na ang 'bituin' ay ganap na supernatural na pangyayari. Kung totoo ito, malamang ay walang kinalaman dito ang astrolohiya.

Samakatwid, ang mga pantas ay di sumasangayon sa ganyang pamahiin na kamalian. Kaya nga, sila ay tunay na matatalinong tao. . . 

May nakita ako na stiker sa sasakya na ang nakasulat ay "Mga matatalinong tao ay hinahangad pa rin siya." Sa totoo lang, di iyan tama. Sabi sa Biblia "walang naghahanap sa Diyos, kahit isa." Kaya kung tayo ay kanyang inakay sa sarili niya, kaya tayo naging matalino. Dahil totoo na "mga matatalinong tao ay sinasamba siya."

Ang mga Batang Lalaki mula sa Bethlehem

Isa sa mga pinakasuklamsuklam na kalupitan sa kasaysayan ng tao ay ang pagpatay sa mga sanggol at bata sa Bethlehem sa autos ni Herodes na Mahalaga. Pero ito ba ay talagang nangyari?

Sa ikalawang kabanata ng Mateo, mababasa natin na noong narinig ni Herodes ang tungkol sa kapanganakan ng Messias, "siya'y naligalig, gayundin ang buong Jerusalem." Pagkatapos noong hindi bumalik sa kanya yung mga matatalinong tao, siya ay naging galit na galit at inutos na lahat ng sanggol na lalaki hanggang edad na dalawang taon sa Bethlehem at paligid nito ay patayin!

Tatlong tanong ang pumasok sa isipan habang ating pinag-iisipan ang malupit na pangyayari ito: Una, ilang sanggol at bata ang pinatay ni Herodes? Pangalawa, ilang taon na si Hesus noong mangyari ito? At ang huli, bakit walang ibang mananalaysay noong mga panahon na iyon ang sumulat ng ganitong kalaspatanganan? Sa madaling salita, ito ba ay talagang nangyari?

Ilang sanggol at bata ang pinatay ni Herodes? Ilang iskolar ang nagmungkahi na aabot ito ng 200! Pero marami ang tumututol sa bilang na ito. Ang Bethlehem ay maliit lang na bayan—halos paligid lungsod lang ng Jerusalem. Ang nayon na ito—at ang paligid nito—ay di hihigit ang mga sanggol at batang lalaki sa 30 na may edad dalawa pababa. Maraming iskolar ngayon ang nagbibigay ng bilang sa pagitan ng 20 at 30.

Pero yan ay kung mga lalaki lang ang piñatay. Pero yung nasa teksto sa Griego sa Mateo 2:16 ay pwede ang ibig sabihin ay ‘mga sanggol’ at hindi lang mga ‘sanggol na lalaki.’ At pwede ring nangyari na yung mga inutusan ni Herodes ay hindi na tiningnan kung ang kanilang mga biktima ay babae or lalaki. Ang dami ng pinatay ay pwedeng umabot sa 50 o 60.

Pangalawa, ilang taon na si Hesus noong mangyari ito? Ayon sa pinakamahusay na sunod na sunod na ebidensya, siya ay maaring hindi hihigit sa tatlo o apat na buwang gulang. Siya ay malamang na ipinanganak noong tag-lamig ng 5 o kaya 4 B.C.—namatay si Herodes noong maagang bahagi ng tag-sibol noong 4 B.C. Kaya bakit pinatay ni Herodes yung mga batang pababa ng dalawang taong gulang? Ang sagot sa ikatlong tanong ay makakatulong sagutin ito. . . 

Pangatlo, bakit walang natala sa labas ng Biblia ukol ditto? Ang particular ay bakit si Josephus, ang mananalaysay noong unang siglo ay hindi man lamang binangit ito?

Maraming binangit si Josephus tungkol kay Herodes. Ang pinakatamang paglalarawan sa kanyang pamumuno ay ‘mahilig pumatay.' Pinatay niya ang ama ng kanyang paboritong asawa, nilunod niya ang kapatid nito - - at pati rin yung paboritong asawa ay pinatay niya! Pinatay niya rin yung kanyang pinakapagkakatiwalaan na kaibigan, ang kanyang manggugupit, at 300 na mga pinuno sa hukbo niya- - lahat sa isang araw lamang! Pagkatapos pinatay niya rin yung kanyang tatlong anak na lalaki, sa paghihinala ng kanilang pagtataksil. Sinabi ni Josephus sa atin na "si Herodes ay gumawa ng matinding kalupitan sa mga Hudyo na kahit kung mga mababangis na hayop ang namumuno sa kanila ay di kayang gawin" (Antiquities of the Jews 17:310). Ang pagpatay sa mga sanggol ay hindi sumasalungat sa katauhan ng malupit na haring ito. At ang pagpatay sa mga sanggol at bata na may mga edad na dalawa pababa—upang matiyak na napatay niya si Hesus ay tumutugma sa kanyang pagiging baliw na pagkagahaman sa kapangyarihan.

Si Josephus ay maaaring hindi isinama sa kanyang salaysay ang pagpatay sa mga sanggol at bata sa isa sa dalawang dahilan: una, hindi siya kaibigan ng Kristianismo at kanyang sinadyang hindi ito isama; o kaya sa pangalawang dahilan, bago mamatay si Herodes ipinakulong niya ang may 3000 na mga pangunahing mamayan ng bansa at nagbigay siya ng utos na sila ay patayin sa oras ng kanyang pagkamatay. Gusto niyang masigurado na may matinding dalamhati sa kanyang pagpanaw. . . ang buong Israel ay nakatuon ang pansin dito na ang lihim na pagpatay sa kaunting sanggol at bata ay hindi napansin. . . 

Akala ni Herodes na nakamit niya ang tagumpay laban sa hari ng mga Hudyo. Pero ito ay munting anino ng tagumpay na akala ni Satanas noong si Hesus ay namatay sa krus ng Roma. Pero yung walang laman na libingan ang nagpapatotoo na yung madilim na Biyernes na yon ang pinakamatinding pagkatalo ni Satanas!

Ang Katapusan

Ating pinag-aaralan ang ilang aspeto ng kapanganakan ni Hesu Kristo dito sa maikling pag-aaral. Ngayon, ating itong pagsasamahin sa ating pagwawakas.

Noong tag-lamig na taong 5 o 4 B.C., sinalakay ng Diyos ang kasaysayan sa pamamagitan ng pagkakatawang tao. Siya ay ipinanganak sa isang maliit na bayan na nasa timog ng Herusalem. Bethlehem, na ang ibig sabihin ay 'ang bahay ng tinapay,' ay tunay nga na naging karapatdapat ng kanyang pangalan ng isang tahimik na gabi ng panahon ng tag-lamig. Sapagkat doon sa bayan na yon pinanganak ang Tinapay ng Buhay . . . 

Ang kanyang ina ay inihiga ang sanggol na hari sa sabsaban—yung lagayan ng kainan –dahil yung silid na kanilang pagpapalipasan ay may naninirahan. Ang kapanganakan ng hari ay ipinagdiwang noong gabi na yon ng kanyang ina, ang asawa, at kaunting mga pastol. Ang mga pastol na nasa parang sa palid ng Bethlehem na nagmamasid sa mga korderong mamamatay sa darating na Paskuwa. May anghel na nagpakita sa kanila at ibinalita ang kapanganakan: "Isinilang ngayon sa bayan ni David ang inyong Tagapagligtas, ang Kristong Panginoon," (Lukas 2:11). Sa kanilang simpleng pananampalataya, sila ay nagmadali na lumisan para makita ang kanilang bagong panganak na hari.

Pagkatapos ng kapanganakan ng Messias, agad na dumating ang mga pantas sa Herusalem at itinanong kay haring Herodes kung saan ipapanganak ang tunay na hari ng mga Hudyo. Ang mga nag-aaral ng teolohiya sa kaharian ni Herodes na dalubhasa sa Banal na Kasulatan--sa 'Bethlehem' ang sagot nila. Ang kataka-taka ay, kahit dalubhasa sila sa Banal na Kasulatan, hindi sila naniniwala dito! Hindi man lamang sila nagbiyahe ng may layong lima o anim na milya sa Bethlehem para makita ang kanilang Messias.

Pero si Herodes ay naniwala sa Banal na Kasulatan! Yan ang dahilan kaya siya nagsugo ng mga tauhan niya sa Bethlehem upang katayin ang mga inosenteng bata sa pagasa na mapatay niya yung kalaban niya sa trono. Pero siya ay nahuli. Dumating at nakaalis na ang mga pantas at si Hesus ay ligtas na na nasa Ehipto.

Ang mga pantas ay naniwala sa Banal na Kasulatan. Nagbiyahe sila ng ilang daang milya upang sambahim ang Sanggol. Sila ay inakay sa Bethlehem ng isang hindi pangkaraniwang pangyayari—at sa pamamagitan ng Banal na Kasulatan. Mukhang ang kanilang mga ninuno ay tinuruan ni Daniel na propeta ukol sa pagdataing ng Messias. . . Noong nakita nila ang bata, sila ay nagpatirapa at sinamba siya. Ito ay ang Diyos na nagkatawang tao. Wala silang ibang magagawa kundi ang sumamba.

At siya ay binigyan nila ng mga handog--ginto, insenso at mira. Ito ay hindi pangkaraniwang alay—sa kahit anong pamantayan. Ang ginto, ay siyempre ating mauunawaan—pero yung insenso at mira ay di karaniwan. Marahil nabasa nila ang propesiya ni Isaias na ang "vAng mga bansa ay lalapit sa iyong liwanag, [at] ang mga hari ay pupunta sa ningning ng iyong pagsikat . . . darating silang may dalang mga ginto at insenso, at naghahayag ng pagpupuri kay Yahweh. . . " (Isa. 60:3, 6). Ipinaliwanag dito ang ukol sa insenso, pero hindi ang mira.

Ang mira tulad ng insenso ay isang pabango. Pero di tulad ng insenso, ang mira ay may amoy ng kamatayan. Noong panahong iyon, ito ay ginagamit sa pageembalsamo ng patay. Si Hesus mismo ay inembalsa ng ganitong pabango (tingan ang Juan 19:39).

Kung ang mga pantas ay iniisip ang kamatayan ni Hesus noong dinala ang mira, walang duda na nalaman nila ito sa propesiya ni Daniel (9:24-27). Sa ikasiyam na kabanata ng Daniel ating mababasa na ang 'papatayin ang hinirang ng Diyos' at ' pagbayaran ang kasalanan' at sa laon ay 'maghahari na ang walang hanggang katarungan' (9:26, 24).

Kahit sa kapanganakan ng ating Taga-pagligtas, ang anino ng krus ay nakinikita na sa kanyang mukha. . . 

Ang mga nag-aaral ng teolohiya sa kaharian ni Herodes ay di pinaniwalaan ang Banal na Kasulatan. Sila ay mga baliw. Si Herodes ay naniwala, pero sumuway. Siya ay sira ulo. Ang mga pangkaraniwang pastol at ang mga marangal na pantas ay mga naniwala na iyong sanggol ay Taga-pagligtas—at itinuring silang matuwid. Nawa sila ang ating sundin.

Related Topics: Christology, Incarnation

Report Inappropriate Ad